Bunga (a short story)

Bunga (a short story)

Alas-sais e media ng umaga pa lamang ng magsimulang sumikat ang araw sa silangan ng baryo ng San Diego; at ang kahel na sinag nito ay lumalatag patunggo sa mga pananim sa sakahan. Ang hamog ay malinaw na makikita pa sa gilid ng mga damo.  Ang makakapal na ulap at asul na kalangitan naman ay unti-unti ng matatanaw.  Sa pagsapit ng umaga, ang mga tandang ay tumilaok at ang mga ibon ay maligayang humuni. Ang koneho ay uminat at huminga ng may kaluwagan. Sa kanyang pagbangon palabas ay kanyang nadama ang  presko at marahan na simoy ng hangin.

“Isang magandang umaga!” ang sabi niya sa kanyang sarili.

Kaagad siyang nag ipon ng tubig sa kanyang mga timba at dinala sa kanyang mga pananim. Nang didiligan na niya ang kanyang mga tanim na Papaya, napansin niya ang maraming butas nanaman nito.

“Araw-araw nalang na kinakain ng mga uod ang aking mga pananim. Bakit kaya ganun?” ang tanong ng koneho sa kanyang sarili.

Ngunit, sa kabila ng problemang kinakaharap ng koneho, nananatili siyang positibo na magkakaroon din siya ng magagandang ani.

Maya-maya ay nagsimula na ding mag-ipon ng tubig ang lobo at nadaanan nito ang koneho na namimitas ng kanyang mga namatay na tanim.

“Mukhang hindi ata maganda ang umaga mo ulit” ang saad ng lobo sa koneho.

“Kinakain ng mga uod ang aking mga pananim. Alam mo ba kung paano maiiwasan ito?” ang tanong ng koneho.

“Nako. Mabuti pa ata at tumigil ka na lamang sa pagtatanim. Masama siguro ang lupa dito sa lugar mo. Natatanaw mo ba yung sakahan ko pamula dito? Ang aking mga pananim ay buhay na buhay at ni isang uod ay walang makalapit” ipinagmalaking sinabi  ng lobo.

“Ah ganun ba?  Pero umaasa pa rin naman ako na magkakaroon ako ng masaganang ani. Baka hindi lamang Papaya ang akma kong itanim” malugod na sinabi ng koneho.

“Ganito nalang, paramihan na lamang tayo ng ani sa loob ng apat na buwan. Matapos ang buwan ng Setyembre, ating bibilangin ang mga bumunga sa ating mga naitanim” anyaya ng lobo

“Ano naman ang mapapala ko kung ako’y sasali?” tanong ng koneho

“Kung sino man ang mananalo ay mapapasakanya ang mga magiging ani natin at sangkapat ng lupain ng matatalo” ang saad ng lobo

“Sige. Bukas ang simula ng pagbilang sa araw” ang pagsangayon na sinabi ng koneho.

“Haha. Hinding hindi mo mararamihan ang aking mga pananim” ang sabi ng lobo sa kanyang sarili.

Kinabukasan, bago pa man sumikat ang araw ay gumising na ang koneho. Matapos ang kanyang mga karaniwang gawain sa bahay, ay nagsimula na siyang magtanim.  Matapos ng ilang oras ay nagtaka ang koneho sapagkat hindi niya pa napapansin ang lobo sa kanyang paligid. Sumulyap ito sa sakahan ng lobo at hindi niya rin nakita doon.

Nang pabalik na ang koneho sa kanyang kamalig ay sinalubong ito ng lobo.

“Kagigising ko lang, samantalang ikaw ay mukhang pagod na pagod na. Haha!” mapangutyang sinabi ng lobo

Sa sumunod na araw ay nakita ng koneho na ang kanyang mga pananim ay kinain nanaman ng mga uod. Sa gabing iyon ay nagisip ang koneho ng paraan kung paano ito maiiwasan.

Kinabukasan ay masigasig na nagsimula muli ang koneho, ngunit, sinubukan niyang iba ang gawin. At matapos ng ilang linggo ay nagsimulang tumubo ang mga tangkay nito. Kinakain man ng mga uod ay hinayaan na lamang ito ng koneho.

“Ano na ang nangyari sa iyong mga pananim? Haha. Bukod sa ito’y kinain ng mga uod ay nawalan na ng ani” mapanguyam na sinabi ng lobo.

Araw-araw ay hindi pinapansin ng koneho ang mga tukso ng lobo, at sa halip ay patuloy lamang na inaalagaan ng koneho ang kanyang mga pananim.

Nakalipas na ang apat na buwan at nagkatagpo na muli ang koneho at ang lobo.

“Sangkapat ng lupain at ang lahat ng ani” paalala ng lobo bago ang pagbibilang ng mga naging ani.

Matapos ng isang araw,

“Isang daang Papaya” ang mapagmataas na sinabi ng lobo

Laking tuwa ng koneho at sinabi,

“Isang daang karot ang aking nabubunot pa lamang, at mayroon pang natitirang kalahating lupa”

Ang lobo ay tumakbo patunggo sa mga uod at sa laking galit ay pasigaw na sinabi ng lobo,

“Anong nangyari? Ang usapan ay kakainin ninyo ang mga pananim ng koneho at aking ibibigay ang kalahati ng aking mapapanalo! Lahat tayo ngayon ay talo!”

Ang hindi alam ng mga uod ay karot ang itinanim ng koneho, isang rootcrop na kung saan ay sa ilalim ang tubo nito.

Habang nag pipista ang koneho kasama ang kanyang mga kaibigan noong gabing iyon ay lumapit ang mga uod sa koneho.

“Paumanhin po at kami ang nakasira sa iyong mga pananim. Kami po ay napagutusan ng lobo, pero pinagsisisihan po naming ang nangyari. Sana po ay huwag niyong ikagalit.” ang sabi ng mga uod

“Ako’y malugod na kayo’y naging matapat. Halika kayo, sali kayo sa aming pagsasalo” ang sabi ng koneho.

Matapos ng ilang linggo, nalaman laman ng koneho na kinain ng mga uod ang mga bagong tanim ng  lobo.

Ang lobo ay lumapit sa koneho at sabi

“Wala akong hinihiling sayo kundi ang iyong paumanhin. Pasensiya sa aking pangungutya at sa paguutos sa mga uod na kainin ang iyong mga tanim. Aking natutunan na ang ating mga kilos ay mayroon ding ibinubunga.”

“Aking patatawarin ikaw at akin na lamang aasahan na lagi mong dadalhin ang naging aral.”